"All the ways of the earth can be an opportunity to meet Christ."---St. JoseMariaEscriva

Home » Archives » 01. September 2008

PRAYER OF COMMITMENT For HUMANAE VITAE

September 1, 2008

 God our Father, In you we find the fullness of life and love,
And the truth that they belong together.
In you we find the meaning of marriage,
Of the human body,
And of our responsibility to be open to life.
As we celebrate the anniversary of Humanae Vitae,
Pope Paul VI’s documents on human life,
Bless your entire Church with a new generosity.
We rejoice that you are the Lord of our lives
and our freedom,
Of birth and death and everything in between.
Keep us strong in saying “Yes” to life
And “yes” to you.
We ask this through Christ our Lord, Amen.

 

Posted by lawrencebaban at 10:16 pm | permalink | View this entry

ANG PAGSASALIN NG BUHAY AY SAGRADO

  Message delivered by  His Eminence Gaudencio B. Cardinal Rosales, Archbishop of Manila during Mass in celebration of the 40th Anniversary of the Encyclical Humanae Vitae at UST Grandstand, España, Manila,
on July 25, 2008.

Matapos ang 40 taon na binitiwan ng Santo Papa Paulo VI ang kanyang sulat na Encyclical Humanae Vitae nananatili pa rin po yung puso ng kanyang liham, at ito’y: “Na kung kikitilin yung isang buhay sa sinapupunan ng isang ina, kung saan man ito mangyari, sa klinika, sa health centers, sa mga pagamutan o kaya ay sa mga bahay;  ang pagkitil ng buhay sa sinapupunan ng isang ina ay ito raw sa ating salawikain ay inuulit natin ang massacre ni Herodes dun sa mga inosenteng bata, at lilitaw na pag may gumawa ng ganyan ang Herodes na mamamatay sanggol ay maaaring kapitbahay ninyo.

Yan po ang sinabi ni Papa Paulo VI. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang buhay ng isang tao kung ito ay ikukumpra sa kung sino man, ang buhay ng isang tao ay hindi lang mahalaga kundi sa mga unang sandali ng kanyang pamumuo sa sinapupunan ng kanyang ina ay ito na raw po ang pinakamahina, pinkamarupok na buhay na maaaring matuklasan sa ibabaw ng lupang ito.

It’s unusual that this vulnerability of humans not only from the womb of the woman or the mother continues until childbirth.  Ito raw ang pinakaiingatan at lahat ng buhay matapos dyan pagkat sinasabi dito, this vulnerability continues even after birth towards infancy.  Napakarupok daw ng bata kaya ang pag-aalaga dito sa buhay na ito na nagmumula sa ilang sandali sa sinapupunan ng isang ina ay isang banal na tungkulin. It’s a sacred duty.

Responsible parenthood is what Pope Paul VI called human parenting. Responsableng pagiging magulang, yan ang tawag niya. This is the reason why, and we quote from him, “in the task of transmitting life humans are not free to perceive completely as they will as if they could determine in a holy and autonomous way the honest path to follow. But they must confirm their activity to creative intention of God expressed in the very nature of marriage and of its acts.”

Hindi daw po ito maaari na yung pagsasalin ng buhay hindi  maaaring basta ipagkatiwala sa sinuman.  Ang pagsasalin ng buhay ay hindi lang siklab ng ilang sandali. Napakabanal pala nitong pagsasalin ng buhay na ginagamit ang isang lalake at babae sa pagiging ina at ama. Sagrado ito.  Hindi maaari basta ipagkatiwala sa simbuyo ng ilang sandali. Kaya kung sakali man na ang kabiglaanan ng iba ay tutuklas ng paraan para kitilin ang buhay, yan ay malaking pagkakasala.  Sa ano mang paraan tawagin o ano mang titulo iyan sinasabi ni Paulo VI na hindi maaari.

Napakabanal ng pagsalin ng buhay. Ito ay hindi laruan at kung minsan ang kabiglaang kabataan ay kung ano ang tutuklasin yan na nga wawasakin, dudurugin ang isang banal na buhay. Responsible parenthood using the natural method of planning of birth demands of the husband and the wife the possession of true values of life. Yung pagiging responsableng ama at ina ang hinihingi sa lalaki at babae, ano yun? Una dapat daw ay mayroong pagpapahalaga sa buhay. Nagpatuloy pa ang Papa Paulo VI, ang sasang ayon sa Diyos sa pagsasalin ng buhay sa kapwa hindi lamang pagpapahalaga sa buhay kung hindi merong sintido ng pamilya.  Pagkaunawa ng kung ano ang pamilya at hindi basta ang pagsasama ng ama at ina kundi kasama ang mga anak na kasambahay.  Meron din sapat na pag disiplina sa sarili. Dapat pala ang sasang ayon sa pagsasalin ng buhay hindi lang may pagpapahalaga sa buhay o sa pamilya kung hindi mayroong disiplina sa buhay, mayroong self control. Yun pala ang kinakailangan ng sasang ayon sa Diyos na isasalin ang buhay sa kapwa at ang disiplinang ito sabi nga ng Santo Papa magdadala sa angkan ng bunga ng kapayapaan, katahimikan, at itataboy ang kasakiman, pagsasarili na siyang kaaway ng pag-ibig.  

Ang Diyos ay marunong. Ano at ang tao ay tutuklas pa ng masamang paraan na kikitil ng buhay? Ano at ang tao nung matuklusan ang hirap dumadami ang tao, gumaganit ang pagkain, nagmamahal ang gasolina ay iisip pa ng masama imbes na padamihin ang pagkain, pag saluhan ang yaman ay iisip pa ng masama. Tayo lang ba ang nakatuklas ng paghihirap ng buhay? Alam ng Diyos yan bago pa niya nilalang ang daigdig. Anong klaseng Diyos yan kung hindi niya alam na hihirap ang buhay?  I know that the God I believe in knows better than I am. That life will be difficult to accompany children? To lead children, to correct children, alam ng Diyos iyan.  Bakit ang solusyon natin ay iba?  Kung kaya’t kanya nga ipinunla sa tao ang lunas sa pamamagitan ng pag didisiplina sa sarili ay matuklasan niya yung pagbibigay ng agwat sa mga anak. Yan ang tinuklas ng Diyos bago pa niya tayo lalangin.  Alam niyang magkakaproblema. Ang solusyon ba ay nasa laboratoryo? Sa mga gamot? Sa mga lason? Wala. Ang solusyon ay ipinunla ng marunong at banal na Diyos, ipinunla sa lalake at babae.  Alam ng Diyos na yung binhi ng buhay sa lalake at babae ay hindi tatagal ng ilang oras. Alam ng Diyos yan at yan ang dapat tuklasin ng siyensya para ituro sa mga tao na sa loob ng ilang sandaling yan disiplina ang kailangan.

Tingnan ninyo kaya buong buo ang pangangaral ng Diyos na ito ay pag merong disipilina sa bahay lalo na sa kama ng mag asawa, may disiplina din sa lansangan, may disipilina sa paaralan, may disiplina maging sa pamahalaan. Walang gumagamit ng dispilina na siyang inilagay ng Diyos na paraan at tayo ay reklamo ng reklamo.

Look at the traffic that you see, how undisplined. Look at the way they move. Why? That is a reflection that there is no discipline in the house. Kaya heto balikan natin ang pagtuturo.  Pero huwag din natin kalilimutan na meron ding mga mahihina.  Ang mahihinang kasama ay hindi  lang ang sanggol.  Oo nga’t ang sanggol sa sinapupunan ay ang pinkamahina na wala talaga.   Napakabigat na kasalanan yan sapagkat kung meron kang kaaway pwede mong suntukin, lalayo siya, tatakas siya, pwede siyang manuntok sa iyo, he will fight you back.  This is the reason why the church considers abortion a terrible crime because the child has no choice.  The unborn child has no choice. He cannot fight back the mother or the father or the doctor or the nurse. He couldn’t even escape. That is why the church considers this a terrible crime. So don’t ask anymore why the church is this strict!

Alam ninyo na walang ligtas ang bata, hindi siya makakatakas. It’s the worst kind of sin. Wag ninyo tatanungin kung bakit ganyan ang simbahan sa abortion. Pero meron din tayo mga kapatid na nahihirapan. Merong mga bata na naglalakad yan yung mga dukha na namamahay sa mga liblib na lugar sa mga tabing lansangan, ngbabahay sa mga ilog, sa kanal, ilalim ng tulay.  Hindi natin dapat limutin ito.  Oo nga wala ito sa Humanae Vitae, idinadagdag ko dito.  Huwag natin lilimutin lapitan ang mga dukha.  Sila ang ating kaligtasan. Maniwala kayo hindi tayo papasok ng langit kung hindi natin mamahalin ang mga dukha.  At sabi ni Hesus siya ang nasa puntahan ng langit at hindi si San Pedro.. Yan ay maliwanag kay Mateo 25, at sasabihin niya “ako ay nagutom ako ay pinakain, ako ay nauhaw ako ay pinainom, ako’y hubad ako’y dinamitan, ako’y may sakit ako’y dinalaw ako’y nabilanggo ako’y pinuntahan, halina pumasok kayo ang langit ay para sa nagmamahal sa dukha.

Special care and protection must be given to the family. Sinasalakay ang karangalan at kabanalan ng pamilya. Kanya pangalagaan natin ito. Himukin natin ang mga matatanda na maaaring gustong mamuno sa atin. Kung mambabatas man yan marurunong daw, himukin natin na ipagtanggol at palakasin, suportahan ang pamilya.  Ang pamilya po ang pugad ng pag ibig, dito po nagmumula, dito magigising ang lahat sa pag-ibig na nagmumula sa pamilya bago tayo maglakbay patungo sa Maykapal.

Sa katapusan po sinabi din dun sa Humanae Vitae, ang gandang mangaral ni Paulo VI. Akala ninyo galit hindi, napakabait ng papang iyan. At sa bandang huli sinabi niya , dalawa ang kinakausap niya,  ang kinakausap nya ay pari at obispo at ito ang sabi niya matapos nyang pangangaralan ang mga tao. In ending he said you must teach without diminishing the teachings of Jesus Christ.  Patience and charity should accompany the teachings of priests and bishops who like Christ came to save not to condemn. Jesus was uncompromising with evil but he was merciful to all. Ayaw nga ni Hesus ng kasalanan, kasamaan at kasalanan ngunit kung may nagkakasala sabi ng Santo Papa magdalang habag kayo katulad ng Panginoon.  

Salamat po at pagpalain kayo ng Maykpal.

 

Posted by lawrencebaban at 10:13 pm | permalink | View this entry