Kung Maibabalik Ko Lang
April 3, 2008May mga pagkakataon na tayo ay may nakikilalang mga tao na sa unang pagkikita ay tila baga di-kanais nais o di katanggap tanggap dahil sa ilang mga bagay o ugaling kanilang pinamalas sa unang tagpong iyon. Totoo ang sinasabi nila, “first impression lasts”, but yes it lasts until the concerned person showed to you the real him.
Ang totoong sya, na ibang-iba sa unang pagkakilala mo sa kanya. Bakit nga ba ang dali para sa atin ang humusga sa ating kapwa? Malimit na ang mga tao na sa atiy’ nagpakita ng maayos na pakikitungo sa unang pagkikita ang sya lamang ating pinagbubuksan ng pintuan ng pakikipagkaibigan, Tama diba? First encounter may not be that good, but there were incidents that would make that initial bad impression transformed into an opportunity for a great friendship. . .
Aaminin ko I’m guilty of the said offense, malimit na kapag ang isang tao ay nagpakita ng kagaspangan sa unang pagkikita, asahan mo na di kita papansinin sa mga susunod na pagtatagpo . . .
Pero di sa lahat ng pagkakataon ay naging tama ang aking naging panuntunan sa pakikitungo sa aking kapwa. Karamihan sa aking mga itinuturing na mga malalapit na kaibigan sa ngayon ay aking kinainisan, kinaasaran at binalewala sa unang pagkikita. Minsan akala natin kapag ang isang tao ay makulit, dapat na iwasan at balewalain lang. Sa salitang uso sa ngayon, “dedma lang” . . . . Pero come to think of it, ang mga taong ito ay nag aaksaya ng oras na mangulit, sundan ka at alaskahin o di kaya’y tuksuhin. . . biruin, asarin ng asarin. . . Pero ako sige dedma pa rin . . . Until you realized sige na nga tropa na din kita kahit nakakaasar at nakaka bwisit. . . . Tumigil ka na lang at tumahimik sa panggugulo . . . .
Ang puno di mo magagawang sukatin ng tama kapag ito ay nakatayo at buhay pa. Ang totoo at akmang sukat nito ay makukuha mo lamang kapag ito ay nabuwal na. . .Tama diba? Di ko na alam ang eksaktong bilang ng mga araw, nagkita tayo sa isang lamay sa patay, di ko malilimutan kung paano mo ako hinarang at kinulit, niyakap at pilit na niyayakag para mag-inuman . . . .
Andami kong excuses remember? Aaminin ko sayo wala naman talaga akong lakad ng gabing iyon. Although ayoko din talaga kayong makainuman that time medyo naghihingalo na ang bulsa ko dahil wala pang sweldo nun . . . Nagawa kong lampasan ang tagpong iyon, pero anong ginawa mo? Akala ko umalis ka na at iniwan ako . . . . ang tuwa ko na sana ng malaman na umalis ka na.
Sa aking lalong pagkainis, bumalik ka pala at iintayin mo daw ako? Huh? Sobra ang inis ko talaga sayo nun! Di ko alam kung saan ako dadaan pauwi para lang maiwasan ka . . . Binalak ko nga na iligaw ang atensyon mo para lang makasibat ako ng gabing iyon! Halos isang oras kang nag-intay sa labas diba? Patakas na ako, ng malaman ko na nakaalis ka na pero nag sabi ka pala na babalik ka ulit . . . . Sa aking tuwa, dali dali akong umuwi sa pamamagitan ng ibang daan para lang makaiwas ulit. Iyon ang huling pagkikita natin . . .
October 7, 2007, kanina lang, nagulat ako, sa isang balita, di ko inaasahan, parang nakakabingi . . . . ang sakit sa tainga! Parang gusto ko magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko . . .wala ka na daw!
Alam mo kung ano ang unang pumasok sa isip ko? Gustong gusto kong mag sorry sayo! Sa lahat ng mga pagkakataong di kita pinansin at binalewala. I’m sorry, sana nga lang nadidimig mo pa ako . . . di ko na mararamdaman ang inis, ang pangungulit mo, wala ka na eh! Umalis ka na, bakit ganun? Mas masakit ngayon! alam mo ba yun?
Malapit na ang bday natin diba? Iinvite naman kita eh! Kahit minsan napunta ka kahit di ka invited . . . . Andami kong dapat ipag sorry sa ‘yo . . . Binuksan mo ang mga mata ko . . . sa tunay na pakikipagkapwa tao . . . sa dapat na pagpapahalaga sa isang kaibigan, makulit man o tahimik ito, mapang-asar man o mapagbigay . . .
Nasaan ka man ngayon . . .Salamat sa pagpapahalaga at pagkilala . . . . Ang mga pang-aasar at pang-iinis mo noon . . .ay aalagaan ko ngayon bilang mga espesyal na ala-ala . . .
Ang iyong kaibigan . . .
Sir Dong
(This article was initially posted at FRIENDSTER BLOG of Lawrence Baban last October 07, 2007 / Sunday)


